Maraming tao ang nag-tipon tipon sa labas ng Buckingham Palace upang ipagdiwang ang ika-70 taon ni Queen Elizabeth sa pamumuno ng British throne.
Ang pagdiriwang para sa Platinum Jubilee ay nag-simula nuong Huwebes, kung saang malaking bilang ng military personnel na nag-mamartsa sa labas ng Buckingham Palace sa London.
Lumabas ang Reyna sa balkunahe ng palasyo at naka-tanggap ng saludo mula sa mga guwardya. Kumaway rin ang Reyna sa mga taong nakikipagdiwang sa kasayahan.
Ang Reyna ay sinamahan ng mga miyembro ng royal family, kabilang ang kanyang anak na si Price Charles at nang kanyang apo na si Prince William, upang panuorin ang pag-daan ng Royal Air Force.
Kamakailan lamang ang 96 anyos na Reyna ay binawasan ang mga official duties, dahil sa pag-alala sa kanyang kalusugan. Pumanaw ang kanyang asawa nuong nakaraang taon.
Ang pagdiriwang ay mag-papatuloy hanggang linggo. Isang sevice para sa pasasalamat sa pamumuno ng Reyna ay naka-iskedyul nitong Biyernes sa St. Paul Catheral sa London. Marami pang ibang kaganapan tulad ng parties at iba pa ay gagawin sa buong bansa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation