Patuloy na nagdudulot ng malakas na ulan sa hilagang Japan ang isang rain front at isang low-pressure system ayon sa Japan Meteorological Agency
Sa Hokkaido, lumakas ang ulan sa madaling araw, na nagdulot ng pagguho ng pilapil sa Asahikawa City at pagbaha.
Ang bayan ng Imakane ay nagkaroon ng 124.5 millimeters ng ulan sa loob ng 24 na oras hanggang Miyerkules, habang ang Asahikawa City ay may 79.5 millimeters — mga tala para sa buwan ng Hunyo.
Muling lumakas ang ulan sa gabi, kung saan bumagsak ang 31.5 millimeters sa bayan ng Setana sa loob ng isang oras hanggang alas-5 ng hapon.
Maaaring magkaroon ng localized rain clouds at magdulot ng pagbuhos ng ulan hanggang Huwebes ng umaga sa mga bahagi ng Hokkaido.
Ang mga rehiyon ng Hokkaido at Tohoku ay maaaring makatanggap ng hanggang 100 milimetro ng ulan sa loob ng 24 na oras hanggang Huwebes ng gabi.
Nagbabala ang mga opisyal ng panahon laban sa mudslide at pagbaha.
Join the Conversation