Ang Japanese weather officials ay nag-bigay ng forecast na makararanas ng malakas na pag-ulan ang western at eastern Japan simula ngayong Lunes.
Isang low-pressure system kasama ang isang front ay inaasahang lumapag sa Kyushu ngayong Linggo ng gabi at babaybay patungong southern coast papuntang western hanggang eastern Japan hanggang sa pag sapit nang araw ng Lunes.
Aasahan ang pag-ulan, pag-kulog at kidlat, lalo na sa baybayin ng bandang Karagatang Pasipiko sa western Japan sa araw ng linggo o Lunes at araw ng Lunes sa eastern Japan.
Sa loob ng 24 oras, inaasahang mahigit 200 millimeters ng ulan ang aasahan sa southern Kyushu at Shikoku, at 180 millimeters naman sa rehiyon ng Kinki at Tokai.
Inaasahan na mag-tagal ang pag-ulan.
Nag-bibigay babala ang Meteorological Agency na mag-ingat sa landslide, pag-babaha sa mga mababang lugar at malakas na pag-agos sa mga ilog.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation