Share
Isang malakas na lindol ang tumama sa Noto region sa central Japan. Wala namang nai-ulat na Tsunami alert.
Ang magnitude na 5.0 na lindol at tumama sa Ishikawa Prefecture bandang alas-10:31 ng umaga nitong araw ng Lunes.
Sa Lungsod ng Suzu, ang lindol ay nag-rehistro ng mahigit sa 5 base sa seismic intensity scale ng Japan mula zero hanggang 7.
Sa kalapit na lungsod ng Noto, nag-rehistro ng 4 ang lakas ng lindol.
Ayon sa Japan Meteorological Agency walang Tsunami alert ang nai-isyu.
Ito ay nangyari isang araw matapos ang medyo malakas na magnitude 5.4 na lindol na nai-ulat sa parehong rehiyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation