Ang pag-laganap ng mga endemic disease tulad ng monkeypox at lassa fever ay nagiging tulo-tuloy at napapadalas, pahayag ni G. Mike Ryan, Emergency Director ng World Health Organization (WHO).
Dinagdag rin nito na may kinalaman rin ang pag-palit ng klima sa mabilis na pag-babago bago ng kondisyon ng panahon tulad ng tag-tuyot, nag-iiba rin ang kaugalian ng mga hayop at tao, kabilang ang paraan ng pag-hahanap ng makakain. Bilang resulta, ang “ecologic fragility” na mga sakit na tipikal lamang sa mga hayop ay patuloy na tumataas at napupunta sa mga tao.
Sa kasamaang palad, ang abilidad na palakasin ang sakit at maipasa sa ating komyunidad ay tumataas, kung-kaya’t ang parehong sakit ay lumalabas at ang pag-puksa sa pag-dami nito ay tumataas.
Sinabi rin nito na katulad na lamang nang tumataas na trend ng kaso ng Lassa Fever, isang acute viral illness na kumakalat na dala ng mga rodents endemic sa Africa.
“Dati mayroong mahigit 3 hanggang 5 taon bago kumalat ang Ebola, sa kasalukuyan maswerte na kung may pagitan ng 3 hanggang limang 5 buwan,” dagdag nito. ” Kaya mayroon talagang ecological pressure sa sistema.
Ang kanyang panayam ay lumalabas dahil sa patuloy na pag-taas ng mga kaso ng Monkeypox sa labas ng Africa, kung saan ang pathogen ay endemic.
Ipinahayag ng WHO na sila ay nakatanggap ng mga ulat na mahigit 550 na kumpirmadong kaso ng viral disease mula sa 30 bansa sa labas ng Africa mula nuong unang report nito nuong early May.
Samantala, kahit bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa mundo, mayroon pang ibang mga rehiyon sa America na nag-aalala sa mga bagong lumalabas na sakit, ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director-General ng WHO.
Ang experience ng COVID ay nag-trigger sa WHO na simulan ng maaga ang proseso sa pag-draft at makipag-negotiate tungkol sa mga international treaty upang mapag-tibay ang hakbang kontra sa pandemiya, pagiging handa at ang pag-tugon sa mga ito.
Ang pandemiya ay parang pag-palit ng klima, ito ay nakaka-apekto sa bawat tao sa planeta, ani ni Ryan.
“Nakita na natin ang pag-hihirap na hinarap natin nitong pandemiya- maaari pa tayong maharap sa mas matinding pandemiya sa hinaharap at kinakailangan natin na maging handa kumpara sa pag-hahandang ginawa natin ngayon,” ani pa rin ni Ryan.
“Kailangan natin ma-establish ang playbook kung paano tayo mag-hahanda at paano tayo tutugon nang sama-sama. Hindi ito usapin tungkol sa soberanya o pag-kontrol. Ito ay usapin tungkol sa responsibilidad.”
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation