SAPPORO
Inaresto ng pulisya sa Takigawa, Hokkaido, ang isang 57-taong-gulang na lalaking walang trabaho matapos itong hindi makabayad ng 24,000 yen na pamasahe sa taxi sa Hokkaido noong Sabado ng gabi. 200 yen lang ang laman ng bulsa ng lalaki noong panahon na iyon.
Ayon sa pulisya, ang lalaki, na nakatira sa Shiroishi Ward, Sapporo, ay sumakay sa taxi sa Atsubetsu Ward, at hiniling sa driver na dalhin siya sa lungsod ng Takigawa, mga 90 kilometro ang layo, iniulat ng Hokkaido Hoso. Ayon sa taxi driver, na nagsabing lasing ang lalaki, ay sinabihan niya na ang pamasahe ay mga 25,000 yen at nag OK naman daw ang lalaki.
Gayunpaman, pagdating nila sa Takigawa, sinabi ng lalaki sa driver na wala siyang pera. Dinala siya ng driver sa isang police station kung saan tinignan ng police ang mga bulsa. May dala lang siyang 200 yen.
Hindi niya rin mapaliwanag kung bakit gusto niyang pumunta mula Sapporo patungong Takigawa.
© Japan Today
Join the Conversation