Lalaki, kinasuhan ng slander dahil sa pangungutiya sa pamilya ng mga biktima ng isang aksidente

Ang mga taong nag po-post ng mga insulto online sa Japan ay maaaring makulong sa loob ng 1 taon, with o without compulsory labor, at multa na aabot ng 300,000 yen o aabot nang 2,200 dollars.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Kinasuhan ng Tokyo prosecutors without arrest ang 22 taong gulang na lalaki matapos mag-post ng mapanirang komento tungkol sa pamilya ng biktima ng isang car accident.

Ayon sa mga prosekyutor, ang nasasakdal na taga-Aichi Prefecture, central Japan ay nag-post ng komento sa social media pa-tungkol kay Matsunaga Takuya, na ang asawa at anak ay parehong pumanaw matapos mabangga ng isang matandang driver sa Ikebukuro sa Tokyo nuong 2019.

Isa sa mga post ng nasasakdal ay nag-sasabi na si Matsunaga ay lumalabas at nakikipag-laban sa korte para maka-kuha ng pera at atensyon. Nakipag-ugnayan si Matsunaga sa mga pulis upang humingi ng tulong ukol sa nasabing usapin. Ipinadala nila ang mga dokumento mula kay Matsunaga sa mga prosekyutor nitong Abril ngayong taon.

Ang mga taong nag po-post ng mga insulto online sa Japan ay maaaring makulong sa loob ng 1 taon, with o without compulsory labor, at multa na aabot ng 300,000 yen o aabot nang 2,200 dollars.

Ito ay dahil  pinag-tibay ng Diet ang legislation nuong Lunes upang baguhin ang criminal law ng bansa.

Nagpakita ng pag-asa si Matsunaga na harapin at panagutan ng nasasakdal ang kanyang pinag-sasabi, upang mawala na ang paninira sa internet.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund