Kinukunsidera ng government panel ng Japan na taasan ang minimum wage

Ang mga organisasyong nag-rerepresent ng mga maliliit na kumpanya ay nag-sabi na ang pag-taas ng sahod ay dapat i-base sa datos ng ekonomiya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang Japanese government panel ay nag-simula nang pag-usapan ang pag-taas ng minimum na hourly wage ng mga mang-gagawa para sa taong ito.

Ang labor ministry panel kabilang ang mga representative mula sa mga union at corporate management. Ang minimum wage level ay naka-set para sa bawat prepektura ay naka-base sa rekomendasyon ng panel.

Ang kasalukuyang nationwide average ay nasa 930 yen o aabot ng 6 dollars at 80 sentimo kada oras. Nuong nakaraang taon nakita sa talaan na ito ay tumaas ng 8 yen o 3.1 porsyento.

Ang mga representative ng labor union ay nananawagan sa pag-tataas ng mga hourly wage ng mga mang-gagawa na humaharap sa kahirapan dahil sa pag-taas ng mga presyo ng bilihin.

Ang mga organisasyong nag-rerepresent ng mga maliliit na kumpanya ay nag-sabi na ang pag-taas ng sahod ay dapat i-base sa datos ng ekonomiya, habang ang mga pag-subok ay nananatiling nagpapa-hirap sa mga negosyong tinamaan ng matindi sanhi ng coronavirus pandemic.

Plano ng panel na mag-propose ng benchmark rate sa susunod na buwan.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund