Kauna-unahang kaso ng Monkeypox sa South Korea, kumpirmado

Ang bilang ng kaso ng monkeypox ay lumagpas na ng 2,000 sa kasalukuyang outbreak, lalo na sa Western nation.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKauna-unahang kaso ng Monkeypox sa South Korea, kumpirmado

Ini-ulat ng South Korea ang kanilang unang kaso ng Monkeypox.

Ayon sa mga opisyal ng kalusugan nitong Miyerkules, isang South Korean national ang nag-positibo nang dumating sa Incheon International Airport mula sa Germany nuong Martes.

Ayon pa sa kanila, ang tao mismo ang nag-boluntaryong nag-sabi na siya ay maaaring nahawaan ng impeksyon matapos makaramdam ng sintomas ng naturang sakit. Kabilang sa sintomas ang fatigue at skin lesions.

Nananawagan ang mga opisyales sa mga tao na agad ipag-bigay alam kung sa palagay nila na sila ay may nararamdamang sintomas ng monkeypox matapos bumisita sa ibang bansa kung saan ang nasabing sakit ay laganap at kumpirmado.

Ang bilang ng kaso ng monkeypox ay lumagpas na ng 2,000 sa kasalukuyang outbreak, lalo na sa Western nation.

Plano ng World Health Organization na magsa-gawa ng emergency meeting kasama ang mga eksperto ngayong Huwebes upang i-assess kung ang outbreak ay nag-babanta ng isang public health emergency at international concern.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund