Karagdagang 13 pang mga unibersidad, tatanggap ng mga Ukrainian students

Hinahangad niya na sana ang kanilang programa ay maka-tulong sa pag-papalaganap ng kapayapaan at hakbang bilang kontribusyon sa sangkatauhan. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKaragdagang 13 pang mga unibersidad, tatanggap ng mga Ukrainian students

Isang Japanese refugee support group ang nagpa-hayag na sila ay gumawa ng arrangements sa 13 pang unibersidad sa bansa na tumanggap ng mga mag-aaral mula sa Ukraine, upang maidagdag sa listahan ng mga institusyong tumatanggap ng mga mag-aaral.

Ang grupo na kilala bilang Pathway Japan ay tumutulong na sa mga mag-aaral mula sa Ukraine upang maka-kuha ng lugar sa International Christian University, Sophia University at sa mga Japanese Language Schools.

Ayon sa grupo may dumagdag na 13 pang mga unibersidad sa buong bansa ang naidagdag sa listahan kabilang ang Waseda, Keio, Meiji at Rikkyo University ay makikilahok din sa nasabing programa.

Plano nitong tulungan ang mahigit 70 Ukrainian students na may kaunting kaalaman sa wikang Hapon o Ingles upang mahanapan ng lugar sa isa sa mga 15 unibersidad sa simula ng buwan ng Agosto.

Ang mga aplikante ay kailangan sumailalim sa isang screening process na kinabibilangan ng mga interview. Ang unibersidad ang sasagot sa mga gastusin sa pag-byahe, tuition fee at living expenses.

Plano rin ng grupo na makipag-tulungan sa 25 Japanese Language Schoolupang maka-hanap ng lugar para sa 100 mag-aaral.

Ang representative director ng Pathway Japan na si Orii Norimasa ay nag-sabi na malaki ang magiging pag-babago sa mga unibersidad at society sa pag-tanggap ng mga mag-aaral mula sa Ukraine. Hinahangad niya na sana ang kanilang programa ay maka-tulong sa pag-papalaganap ng kapayapaan at hakbang bilang kontribusyon sa sangkatauhan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund