Japan nag-issue ng pinaka-mababang tala ng visa sa taong 2021

Plano na rin nilang tumanggap ng iba pang dayuhang turista habang pinapanatili ang pag control sa pag-laganap ng coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan nag-issue ng pinaka-mababang tala ng visa sa taong 2021

Ang bilang ng visa na inilabas ng Japan nuong nakaraang taon ay nag-tala nang pinaka-mababang record mula nang ito ay maisa-batas nuong taong 1999.

Ayon sa Foreign Ministry, ang mga embahada at mga konsular ay nag-issue ng mahigit 90,000 na visa nuong taong 2021. Ito ay isang porsyento lamang nang bilang kumpara sa naitalang bilang nuong taong 2019, kung saan ito ay nag-tala ng 8.2 milyong issued visa.

Ang dahilan umano ng tindi ng pag-baba ay sanhi ng boarder control measures ng bansa dahil sa pandemiyang dulot ng coronavirus.

Karamihan sa mga inisyu na visa ay may kaugnayan sa dayuhang technical trainee o kaso base sa humanitarian grounds.

Ang Vietnam ang mayroong pinaka-mataas na bilang ng inisyuhan ng visa na humigit sa 15,000 na siya namang sinundan ng China na umabot sa mahigit 12,000.

Nag-simulang gumaan ng paunti-unti  ang boarder control ng Japan mula ng buwan ng Marso. Plano na rin nilang tumanggap ng iba pang dayuhang turista habang pinapanatili ang pag control sa pag-laganap ng coronavirus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund