Isang Sri Lankan ang namatay sa Ibaraki Prefecture, sa isang pinaniniwalaang kaso ng homicide

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima kung saan ito ay kalaunang idineklarang patay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Sri Lankan ang namatay sa Ibaraki Prefecture, sa isang pinaniniwalaang kaso ng homicide

Ini-imbestigahan ng mga pulis sa Ibaraki Prefecture, northeast ng Tokyo, ang pagka-matay ng 45 anyos na lalaking Sri Lankan sa isang hinihinalang kaso ng homicide.

Ayon sa mga pulis, agad silang nag-tungo sa isang trading company sa Bando City matapos maka-tanggap ng tawag mula sa ibang empleyado na mayroong nag-aaway duon.

Natagpuan nilang duguan ang kaliwang balikat ni Maludena Gedara Dardamasa Upul Rohana Dardamasa na isang Sri Lankan.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima kung saan ito ay kalaunang idineklarang patay. Ayon sa mga pulis, ang biktikma ay naninirahan sa Bando City.

Natagpuan rin ng mga awtoridad ang isang patalim na may bahid ng dugo sa lugar kung saan nagyari ang krimen. Marami ang tumistigo na nagkaroon ng pag-tatalo sa gitna ng 45 anyos na Sri Lankan at 29 anyos na lalaki na Sri Lankan din.

Tinanong ng mga pulis ang 29 anyos na lalaki na siya rin nasa lugar ng krimen.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund