Isang lalaki ang inaresto kaugnay sa pag-patay sa isang 68 anyos na ginang sa Prepektura ng Chiba

Ayon sa mga pulis, inaakusahan si Sakamoto nang pananakal kay Tamiko Isobe gamit ang isang electrical cord.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Inaresto ng mga pulis sa Choshi, Chiba Prefecture ang 65 anyos na lalaki sa suspetsang pag-patay sa 68 anyos na ginang sa loob ng kanyang municipal apartment nitong buwan.

Ayon sa mga pulis, si Masafumi Sakamoto, na naninirahan sa Katori, Chiba Prefecture ay itinatanggi ang paratang laban sa kanya, ulat ng Kyodo News. Ayon sa mga pulis, inaakusahan si Sakamoto nang pananakal kay Tamiko Isobe gamit ang isang electrical cord nuong gabi ng June 8 o madaling araw ng June 9.

Si Isobe ay natagpuan bandang ala-6:00 ng hapon nuong June 9 nang kanyang pinsan na siyang tumawag sa mga pulis at nag-sabi na buong araw na hindi sumasagot ng kanyang telepono ang ginang. Ang mga bintana at pintuan sa apartment ni Isobe ay mga naka-lock.

Ayon pa sa mga pulis, si Sakimoto na umamin na kakilala si Isobe ay lumitaw bilang suspek matapos makita ang mga footage mula sa surveillance camera sa labas ng apartment building na nasa area nuong gabi ng June 8.

Source: Japan Today

Image: Gallery

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund