Isang birthday celebration para sa kambal ng panda sa Tokyo

Ang mga panda ay binigyan ng basket na may lamang apples kasama ang mga mensahe ng mga bata.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang birthday celebration para sa kambal ng panda sa Tokyo

Ang Ueno Zoo sa Tokyo ay nagsa-gawa ng maagang selebrasyon para sa birthday ng kambal na panda cubs. Ang lalaking panda na si Xiao Xiao at ang babaeng panda na si Lei Lei ay ipinanganak sa Ueno Zoo nuong June 23, 2021.

Nitong Lunes, 14 grupo ng mga magulang at mga anak ang napili mula sa isang bunutan upang dumalo sa pagdiriwang. Nanuod sila ng unang taon na videos ng mga cubs’ at sumulat ng mga birthday messages sa mga birthday cards.

Ang dalawang panda ay nagtitimbang ng mahigit 27 kg nitong June 13, o mahigit 200 beses na laki kumpara sa timbang nila nuong sila ay ipinanganak na nasa 120 grams lamang.

Ang panahon ay napaka init at humid kung-kaya’t ang mga panda ay hindi masyadong aktibo.

Si Xiao Xiao ay naka-sandal sa puno at natutulog habang si Lei Lei naman ay naka-upo sa isang sanga at ngumangata ng bamboo stalk.

Sa isang banda, si Lei Lei ay sinubukang makipag-laro sa kanyang kapatid. Nang siya ay hindi pinansin ni Xiao Xiao, ngumata na lamang ulit siya ng bamboo kasama ang kanyang ina.

Ang mga panda ay binigyan ng basket na may lamang apples kasama ang mga mensahe ng mga bata. Ang taga-pangalaga ng mga panda ang siyang tumanggap ng regalo para sa kanila.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund