Ikalawang bangkay natagpuan, matapos makita ang labi ng isang 5 taong gulang na bata sa isang residente sa East Japan

Si Kakimoto ay sinampahan ng kaso sa malubhang pananakit kay Ayumu at sa pag- abandona sa labi nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIkalawang bangkay natagpuan, matapos makita ang labi ng isang 5 taong gulang na bata sa isang residente sa East Japan

SAITAMA — kasalukuyang ini-imbestigahan ng mga pulis ang kaso kung saan isang 5 taong gulang na batang lalaki ay natagpuang patay sa isang bahay sa Saitama Prefecture nuong Marso, na naging dahilan upang maaresto ang ina nito at dalawa pang katao, binanggit rin na may natagpuang isa pang bangkay sa loob ng bahay nuong ika-6 ng Hunyo.

Ang skeletonized na bangkay ay natagpuan sa ilalim ng sahig ng bahay sa Honjo, Saitama Prefecture, base sa DNA analysis, ang bangkay ay kinilala bilang ang matandang babae na naninirahan sa nasabing tahanan. Ini-imbestigahan ngayon ng mga pulis ang dahilan sa pagka-matay ng matandang ginang.

Ayon sa Saitama Prefectural Police, natagpuan nila ang labi ng ginang habang hinahanap ang labi ni Ayumu, ang anak na lalaki ni Chika Kakimoto, 30 anyos at naninirahan din sa nasabing tahanan.

Ang labi ng matanda ay nasa estado na ng pagiging kalansay at hindi masabi kung anong damage ang natamo nito. Hindi binanggit ng mga awtoridad ang pagkaka-kilanlan ng matandang ginang dahil kasalukuyan pa rin isinasa-gawa ang imbestigasyon sa kaso.

Si Kakimoto ay sinampahan ng kaso sa malubhang pananakit kay Ayumu at sa pag- abandona sa labi nito. Nuong ika-6 ng Hunyo, ang mga awtoridad ay naghain ng arrest warrant kay Kakimoto at Yoko Ishii, 54 anyos, isang ginang na walang trabaho at kasamang naninirahan ni Kakimoto, sa suspisyong pang-aasulto. Si Ishii ay sinampahan rin ng kaso nang tulad kay Kakimoto.

Ang dalawa ay hinainan ng warrant of arrest dahil umano sa pag-aasulto kay Ayumu nuong Enero at Marso taong 2021 dahil sa pag bitin ng patiwarik sa bata at pag-sampal sa mukha nito. Hindi naman nag-bigay ng anumang pahayag ang mga awtoridad ukol sa apela ng dalawang suspek laban sa kasong kinahaharap nila.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund