Tinapos ng World Health Organization ang kasalukuyang international monkeypox outbreak ay hindi bumubuo ng isang Public Health Emergency of International sa kasalukuyan.
Napag-usapan sa isang pag-pupulong ng Emergency Committee ng mga eksperto sa buong mundo, ang kasalukuyang sitwasyon nitong Huwebes.
Si Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang siayng nag-anunsiyo base sa advice ng mga eksperto nitong Sabado.
Idinagdag ng committee na kinakailangan pa rin ang matinding pag- momonitor dahil maaari pa rin itong kumalat.
Ayon pa sa mga eksperto na ito ay dapat muling suriin makalipas ang ilang linggo upang malaman kung kinakailangan baguhin ang napag desisyonan na usapin habang naglalakap ng mga impormasyon.
Sa kasalukuyan,nasa listahan ng WHO ang Polio at COVID-19 bilang emergency.
Ang tally ng mga Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidosay nag-papakita na mayroong 4,106 na kaso ng monkeypox sa 47 na bansa at rehiyon nito Biyernes.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation