Sinabi ng korte sa Japan na ang offline na Tomari Nuclear Power Plant sa Hokkaido ay hindi na maibabalik sa operasyon. Isinaad ng hukom ang hindi magandang pamantayan sa kaligtasan kapag nag-karoon ng tsunami alin-sunod sa unang pasya nito.
Mahigit 1,200 katao ang nagsampa ng kaso laban sa operator na Hokkaido Electric Power Company mula noong 2011. Hiniling nila na ipagbawal ang lahat ng tatlong reactor sa pag-gana at mapa-walang bisa.
Sa naging desisyon noong Martes, sinabi ng namumunong hukom na may inaasahang tsunami na hindi bababa ng 12 metro ang maaaring tumama sa planta sa panahon na magkaroon ng malakas na lindol. At sinabi niyang nabigo ang operator na patunayan na hindi mag-dudulot ng anumang problema ang pasilidad, tulad ng liquefaction.
Sinabi ni Saito Takeichi, ang kinatawan ng mga nasasakdal, “Bilang isang lokal, ako ay labis na nasisiyahan. Ang pagtanggi na payagan ang mga operasyon ay nangangahulugan na ang planta ay hindi magsisimulang muli hanggang sa huli. Ito ang unang hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng aming layunin: Walang mga nuclear plant sa Hokkaido.”
Ang lahat ng mga nuclear reactor ng Japan ay itinigil kasunod ng sakuna noong Marso 2011 sa Fukushima.
Ang mga operator na gustong i-restart ang kanilang operasyon ay dapat matugunan ang mas mahigpit na regulasyon. Sinabi ng Hokkaido Electric na plano nitong iapela ang desisyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation