Ang mga residente ng bahagi ng isang distrito malapit sa baldado na Fukushima Daiichi nuclear power plant na itinalaga bilang “difficult-to-return” zone ay pinayagang bumalik sa unang pagkakataon mula noong 2011 disaster.
Ang kabuuang mahigit 300 kilometro kuwadrado ng lupain sa pitong munisipalidad ng Fukushima Prefecture ay itinalaga pa rin bilang isang “not safe zone”
Inalis ng gobyerno ng Japan ang evacuation order para sa bahagi ng village ng Katsurao noong Linggo ng umaga.
Dumaan ang mga sasakyan sa kalsada na nagdudugtong sa nayon at iba pang lugar matapos buksan ng mga manggagawa ang barikada.
Ang mga residente ng distrito ng Noyuki, na bumubuo sa 20 porsiyento ng nayon, ay napilitang umalis sa kanilang mga tahanan dahil sa mataas na antas ng radiation pagkatapos ng aksidente.
Humigit-kumulang anim na porsiyento ng distrito ang binigyang-priyoridad bilang isang espesyal na sona para sa gawaing dekontaminasyon at mga proyektong pang-imprastraktura.
Sinabi ng mga opisyal ng nayon na 82 katao mula sa 30 sambahayan ang nakarehistro bilang mga residente, ngunit walong tao lamang mula sa apat na sambahayan sa ngayon ang nagpahayag ng interes na bumalik.
Join the Conversation