Simula sa araw ng Linggo, aalisin na ng administrasyon ni US President Joe Biden ang coronavirus test requirement para sa mga paparating na international air travelers.
Isang spokesman sa White House ang nag-bunyag ng plano sa Twitter nitong Biyernes. Ang mga byahero ay kinakailangan na mag-negatibo sa COVID-19 test isang araw bago mag-board sa kanilang flight.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ang pag-babago ay mag-eepekto bandang alas12:00 ng madaling araw, Eastern time ngayong Linggo. Idinagdag rin nila na ang requirement ay maaaring ma-withdrawn o ma-ialis dahil ang bakuna at iba pang mga factors ay nag-contribute na sa pag-baba ng risk ng malubhang karamdaman at pag-panaw sa buong bansa ng Estados Unidos.
Ayon sa US media, kapag ang byahero ay hindi US national, kinakailangan nila na mag-pakita ng katunayan na sila ay naka-tanggap na ng kumpletong bakuna sa kanilang bansa bago maka-pasok sa bansa.
Nakipag-tulungan rin ang mga taga-airlines sa pamahalaan upang mai-alis ang test mandate, sa pag-asang muling maibalik ang pag-byahe ng mga turista.
Idinagdag ng CDC maaari pa rin nilang i-reassess ang pagpapa-testing kung kakailanganin sa sitwasyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation