Inaresto ng mga Japanese police ang lalaking di umano’y utak sa likod ng coronavirus subsidy scam matapos niya maka-uwi galing sa Dubai.
Ayon sa mga pulis si Matsue Daiki ay ilegal na kumulekta ng subsidy nuong taong 2020 sa pamamagitan ng pag-gamit ng ibang tao para mag-claim na ang kita ng negosyo nito ay bumagsak sanhi ng pandemiya. Ang 31 anyos na suspek ay umalis papuntang Dubai nitong Pebrero.
Si Matsue ay pinaniniwalaang kasama sa isang grupo na di umano’y nagsasa-gawa ng mga fraud scheme. Ang grupo ay pinaniniwalaang gumagamit ng Line Messenger App upang bigyan ng instruksyon ang mga university students at iba pang kabataan kung paano maka-tanggap ng subsidy sa pamamagitan ng ilegal na paraan.
Suspetsa ng mga pulis na kumulekta si Matsue ng mahigit 80 porsyento mula sa mga subsidies na natanggap ng mga kabataan, at ininvest ang pera sa mga crypo-assets.
Ayon sa mga pulis ang grupo ay ilegal na naka-tanggap ng mahigit 200 million yen o mahigit 1.5 million dollars, mula sa subsidies.
Ipinahayag ng mga imbestigador na si Matsue ay hindi umaamin o tumatanggi sa mga paratang laban sa kanya. Base sa pagsisipi ng mga ito, sinabi nito sa kanila na siya ay makikipag-usap sa mga pulis matapos nitong kumunsulta sa kanyang abogado.
Siyam na miyemro ng grupo ay na-aresto na, kabilang ang 24 anyos na mang-gagawa sa Tax Bureau. At na ipasa na sa prosekyutor ang kaso ng pito sa mga ito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation