Ang anak na babae ng pababang presidente ng Pilipinas na si Presidente Rodrigo Duterte ay nag-pahayag na patuloy niyang tatalakayin ang drug issue bilang bise-presidente, nag-bibigay ng pag-aalala na maaari niyang ipag-patuloy ang mahigpit na pag-tugis sa mga ilegal na droga tulad ng kanyang ama.
Si Sara Duterte ay nanumpa nitong Linggo sa isang seremonya sa Southern City ng Davao, kung saan siya ay nanilbihan bilang Punong Bayan.
Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng kanyang ama at ng president-elect, Ferdinand Marcos Jr. Ang ama ng magiging presidente ng bansa ay dating pinamunuan din bilang presidente ang Pilipinas na may matigas na kamao hanggang sa siya ay napababa ng pwesto nuong 1986.
Si Duterte ay naging bise presidente sa pamamaitan ng pagka-panalo sa dami ng bilang ng boto mula nuong eleksyon nuong May 9. Siya at si Marcos ay mag-sisimula sa kanilang tungkulin sa June 30.
Sinabi nito na ang mga bata ay humaharap sa isang complex future, dahil sa sanhing destruksyon ng ilegal na droga.
Marami ang nag-sasabi na dahil sa kamay na bakal na pag-tugis ng kanyang ama sa mga nasabing isyu ay nakatulong sa pagpapa-buti sa seguridad ng bansa.
Ngunit ang International Criminal Court ay ini-imbestigahan ang matandang Duterte dahil sa posibleng krimen laban sa humanity, dahil sa pag-bibigay kautusan sa mga pulis na patayin ang mga drug suspect.
Ang mga Human Rights group sa Pilipinas a nag-papahayag ng pag-aalala sa kung ipapag-patuloy rin ba ng bise presidente ang anti-drug campaign ng kanyang ama, at kung magkakaroon ba ng epekto ang kanyang posisyon sa imbestigasyong isinasa-gawa ng ICC.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation