Nag-hahanda na ang Kansai International Airport sa Japan sa pag-welcome ng mga dayuhang turista na darating sa susunod na linggo. Upang mabawasan ang pagkakaroon ng problema sa komyunikasyon, ang mga staff sa pasilidad ay binigyan ng mga handheld translation devices.
Ang kumpanya na nag-bebenta ng Pocketalk device ay nag-bigay ng 250 units sa paliparan sa western Japan na malapit sa mga lungsod ng Osaka, Kyoto at Kobe.
Ang Pocketalk ay kayang mag-salin ng 70 lengwahe. Ang gumagamit ng device ay mag-sasalita dito at isasalin nito ang sinabi sa lengwaheng nais gamitin gamit ang audio at text na siyang pinapatakbo ng isang artificial intelligence.
Ang Japan ay mulig mag-bubukas sa mga dayuhang turista simula sa June 10. Ang bansa ay isinara ng kanilang borders sa mga ayuhang turista mula pa nuong panahong nag-simula ang pandemia.
Pagagaanin rin ng mga awtoridad ang mga COVID-related border control para sa mga pasaherong mng-gagaling sa mga bansa at teritoryong naka-tala sa low risk list.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation