23 anyos na babae, arestado sa kasong pag-aabandona sa labi ng isang sanggol na isinilid sa isang maleta at itinago sa tokador

Sinabi umano ni Fukushima sa mga pulis na inilagay niya ang sanggol sa maleta matapos manganak nitong huling yugto ng Mayo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Inaresto ng mga pulis sa Hino City, Tokyo ang isang 23 anyos na babae sa suspisyong pag-abandona sa labi ng isang bagong silang na sanggol na lalaki na siyang natagpuan sa loob ng isang maleta na naka-tago sa loob ng tokador.

Ayon sa mga pulis, si Chihiro Fukushima, isang part-time worker ay umamin sa paratang laban sa kanya. Ini-ulat rin ng Kyodo News na si Fukushima ay naninirahan kasama ang kanyang mga magulang.

Bandang hapon ng Linggo, napansin ng ina ni Fukushima ang kakaibang amoy na nanggagaling sa kwarto ng kanyang anak. Nang ito ay kanyang tignan, laking gulat niya nang matagpuan ang labi ng isang bagong panganak na sanggol sa loob ng maleta na naka-tago sa loob ng tokador, agad naman siyang tumawag sa 110.

Sinabi umano ni Fukushima sa mga pulis na inilagay niya ang sanggol sa maleta matapos manganak nitong huling yugto ng Mayo.

 

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund