Inaresto ng mga pulis sa Tokyo ang dalawang kalalakihan sa suspisyon ng pagnanakaw at ilegal na pag-kulong sa isang lalaki na nakilala nila sa social networking site.
Ayon sa pulis, ang isang suspek na si Tosho Dohi, 21 anyos, residente ng Asahikawa sa Hokkaido ay umamin sa mga paratang laban sa kanya, ngunit ang isa pang lalaki na si Ryuto Kobayashi, 21 anyos, kasalukuyang hindi alam ang impormasyon ukol sa trabaho at tirahan ay nananatiling tahimik, ulat ng Kyodo News.
Ipinahayag ng pulis na ang insidente ay nangyari nuong ika19 at 20 ng Septyembre nuong nakaraang taon sa loob ng isang kwarto sa hotel sa Minato Ward sa Tokyo. Ang lalaking biktima, 22 anyos, naninirahan sa Tokyo ay kinulongvumano ni Dohi at Kobayashi nang mahigit siyam na oras. Ninakawan rin umano ng 2 suspek ang biktima ng 12,000 yen na cash at smart phone na nagkakahalaga ng mahigit 70,000 yen. Ninakaw rin umano ng 2 ang cash card ng biktima at kinuha ang mahigit 900,000 yen mula sa kanyang bank account.
Ani ng mga pulis, nakilala ng biktima si Dohi nuong Agosto at naimbitahang pumunta sa hotel para sa isang business negotiation.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation