Labindalawang tao ang nananatiling nawawala sa huling araw ng tatlong araw na masinsinang paghahanap matapos ang paglubog ng isang tour boat sa Hokkaido sa hilagang Japan mahigit isang buwan na ang nakalipas.
Ang KAZU I, na may lulan na 26 katao, ay lumubog sa Shiretoko Peninsula noong Abril 23. Labing-apat na pasahero ang kumpirmadong namatay.
Ang mga sasakyang-dagat at sasakyang panghimpapawid ng Coast Guard, Self-Defense Forces at iba pa ay nagsagawa ng masinsinang paghahanap mula Linggo hanggang Martes sa malalawak na lugar mula sa peninsula hanggang Kunashiri Island. Ang Kunashiri ay isa sa apat na isla na kontrolado ng Russia na inaangkin ng Japan bilang isang likas na bahagi ng teritoryo nito.
Mahigit 30 sasakyang pandagat kabilang ang mga lokal na mangingisda at mga bangkang pang-tour ang sumali sa paghahanap noong Martes hanggang nagyong ala-5 ng hapon, walang nahanap na mga nawawalang tao.
Ang KAZU I, na na-salvage at inilagay sa isang barge, ay ilalabas sa Abashiri Port, mga 45 kilometro mula sa kung saan ito itinaas, noong Miyerkules ng umaga. Ang bangka ay ipapakita sa mga pamilya ng mga pasahero mamaya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation