Noong ika-19, ang Saitama Prefectural Police Asaka Police Station ay nagbigay ng letter of appreciation kay Vega Emiliano Leboho (32), isang Filipino national, matapos mapigilan ang isang babae sa isang suicide attemp.
Ang hero na Pinoy ay isang part-time worker na nagta-trabaho sa Niiza City, ay pinarangalan dahil naging parte siya sa pag sagip ng isang buhay.
Ayon sa salaysay bandang 1:00 pm noong April 24 nang papauwi siya sakay ng motorbike galing sa kanyang plumbing work nang makadaan siya sa isang residential area sa Asaka City, nakita niya na may babae na nakatayo sa labas na bahagi ng isang tulay.
Mukhang delikado ang gagawin ng babae kaya tumigil siya at tinanong ang babae ng daijobu desuka? “Are you okay?” Hindi daw sumagot ang babae ngunit iyak lang daw ng iyak kaya naghinala siya na hindi ok ang sitwasyon.
Tumawag ng saklolo ang kabayan natin sa mga dumadaan para tawagan ang police at inalalayan niya ang babae na umalis mula sa labas ng tulay at sa lugar na mas safe at sinamahan niya ang babae hanggang sa dumating ang police.
Nalaman kalaunan na balak nga talagang magpakamatay ng babae.
Ang kabayan natin na hero ay dumating sa Japan 16 years ago. Nakatira siya dito kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Kasama ang kanyang pamilya, pumunta sila sa Asaka police station upang tanggapin ang letter of appreciation mula kay Seiichi Sato at pinuna sa kanyang katapangan at malasakit.
Join the Conversation