Share
Inaresto ng Shiga Prefectural Police Kusatsu Police noong May 25 ang isang 28-year-old na Pilipina, isang restaurant owner na nakatira sa Moriyama City, Shiga Prefecture, sa hinalang paglabag sa Car Driving Penalty Law (accidental driving causing injury) at ng Road Traffic Act (hit and run).
Ang Pinay ay nagmamaneho ng kei na sasakyan sa Ritto City, Shiga Prefecture bandang 1:41 am mabangga nito ang isang naka motorcycle na lalaki (48) na taga Koka City na paliko sana sa kaliwa.
Tumakas sa lugar ng pinangyarihan ang Pinay. Himalang buhay naman ang lalaki at nagtamo ng bali sa leeg.
Join the Conversation