Umalis sa western Japanese port ang isang salvage company na sasakyang may lulan na mga deep-sea divers para sumama sa paghahanap sa mga taong nawawala nang lumubog ang isang tour boat sa Hokkaido sa hilagang Japan noong nakaraang buwan.
Ang KAZU I, na may lulan na 26 katao, ay lumubog sa Shiretoko Peninsula sa isang sightseeing cruise noong Abril 23. Labing-apat na pasahero ang kumpirmadong namatay. Labindalawa, kabilang ang dalawang crewmember, ang nananatiling hindi pa nakikilala.
Natagpuan ang bangka sa seabed sa lalim na 120 metro.
Ang salvage firm vessel ay umalis sa Moji Port sa Fukuoka Prefecture noong Martes. Mayroon itong kagamitan para sa isang pamamaraan na tinatawag na saturation diving, na nagpapahintulot sa mga diver na kumilos sa kondisyon ng malalim na dagat.
Ang barko ay hinihila ng isang tugboat at inaasahang darating sa lugar sa loob ng isang linggo.
Inaasahang sisimulan ng mga dalubhasang diver ang deep-sea work ngayong buwan upang makita kung may nakulong sa bangka.
Noong Martes, gumamit ng unmanned submersible ang isa pang barko mula sa salvage firm para hanapin ang mga nawawala. Hinalughog ng Coast Guard at ng Maritime Self Defense Force ang lugar, ngunit sinabing walang nakitang bagong pahiwatig hanggang alas-3 ng hapon noong araw na iyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation