Mahigit 296,000 na kaso ng bagong sakit na lagnat ang mayroon ngayon sa North Korea, 15 katao na ang naiulat na pumanaw

Ngunit ang sistemang medikal ng North Korea ay sinasabing mahina, at may pag-aalala na ang mga impeksyon ay maaaring kumalat pa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMahigit 296,000 na kaso ng bagong sakit na lagnat ang mayroon ngayon sa North Korea, 15 katao na ang naiulat na pumanaw

Iniulat ng North Korean media noong Linggo na mahigit 296,000 bagong kaso ng lagnat at 15 karagdagang pagkamatay ang nakumpirma sa buong bansa.

Sinabi ng naghaharing pahayagan ng Workers’ Party na Rodong Sinmun na ang mga tallies ay mula sa pagitan ng Biyernes ng gabi at 6 p.m. ng Sabado.

Opisyal na kinumpirma ng Pyongyang ang mga unang kaso ng coronavirus noong Huwebes. Sinabi ng mga opisyal na itataas nito ang sistema ng pag-iwas sa epidemya sa pinakamataas na antas ng emerhensiya, kasama ang lahat ng lungsod at bansa sa ilalim ng lockdown.

Ang araw-araw na bilang ng mga kaso ng lagnat sa bansa noong Sabado ay tumaas ng higit sa 120,000 mula sa nakaraang araw.

Ang bilang ng mga taong may lagnat mula noong huling bahagi ng Abril ay naiulat na lumampas sa 820,000, at 42 katao na ang bilang ng mga namatay.

Nagpahayag ng matinding krisis ang pinunong si Kim Jong Un sa isang pulong ng Kawanihang Pampulitika ng partido noong Sabado, na inilalarawan ang sitwasyon bilang isang “malaking kaguluhan mula nang itatag ang bansa.”

Sinabi niya sa mga opisyal na matuto mula sa nangyari sa China at palakasin ang control measures kabilang dito ang pagsusuri sa lahat ng residente.

Ngunit ang sistemang medikal ng North Korea ay sinasabing mahina, at may pag-aalala na ang mga impeksyon ay maaaring kumalat pa.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund