Isang tour boat na lumubog sa baybayin ng Hokkaido, hilagang Japan, ay halos nai-angat na sa ibabaw ng dagat.
Ang “Kazu I” na tour boat ay lumubog noong nakaraang buwan, noong Abril 23, na may sakay na 26 na tao. Labing-apat ang kumpirmadong patay, at 12 ang nananatiling nawawala.
Noong Lunes, nai-angat ng mga salvage worker ang bangka mula sa seabed na may lalim na 120 metro hanggang 20 metro sa ibaba.
Ang bangka ay inangat ng isang salvage barge. Dinala ito ngayon sa mababaw na tubig sa baybayin ng Shari Town, ang daungan kung saan ito naglayag.
Plano ng land ministry na dalhin ito sa barge noong Martes pa lang.
Samantala, ang mga searchers ay patuloy parin sa paghahanap.
Noong nakaraang Huwebes, ipinaalam ng Russia sa Japan na isang bangkay ang natagpuan sa kanlurang baybayin ng Kunashiri Island, isa sa apat na isla na kontrolado ng Russia na inaangkin ng Japan bilang likas na bahagi ng teritoryo nito.
Sinabi ng mga opisyal ng Coast Guard ng Japan noong Lunes na ang bangkay ay maaaring ang crew member na si Soyama Akira, batay sa lisensya sa pagmamaneho na natagpuan malapit dito. Sinusubukan nilang kumpirmahin ang higit pang mga detalye sa pamamagitan ng mga diplomatikong channel.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation