Kaunti o maliit na progreso lamang ang nagawa sa pag-hahanap ng mga pasahero mula sa nawawalang barko sa Hokkaido

Ang bangka ay lumubog sa ilalim ng dagat sa lalim na 120 metro.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKaunti o maliit na progreso lamang ang nagawa sa pag-hahanap ng mga pasahero mula sa nawawalang barko sa Hokkaido

Nagpatuloy ang search operation gamit ang unmanned submersible noong Lunes para mahanap ang mga taong nawawala matapos lumubog ang isang tour boat sa Hokkaido, hilagang Japan, noong nakaraang buwan.Ngunit wala pa rin bagong pahiwatig na naiulat na natagpuan tungkol sa kinaroroonan ng mga nawawalang pasahero.

Ang “KAZU I” ay lumubog sa Shiretoko Peninsula sa isang sightseeing cruise noong Abril 23. Sa 26 na mga tao na sakay, 14 ang kumpirmadong patay at 12 ang nananatiling nawawala.

Ang bangka ay lumubog sa ilalim ng dagat sa lalim na 120 metro.

Tinapos ng mga tripulante ng barko ng isang salvage company ang kanilang operasyon sa ilalim ng dagat para nuong Lunes at planong ipagpatuloy ito sa Martes o sa susunod na mga araw.

Ang paghahanap mula sa ibabaw ay nagkaroon din ng kaunting pag-unlad. Walang nakitang mga bagong pahiwatig simula 3 p.m. noong Lunes.

Plano ng Japan Coast Guard na ipagpatuloy ang paghahanap nito nang buong gabi na sumasaklaw sa isang malawak na lugar sa labas ng Shiretoko Peninsula.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund