Isang pinoy at hapon inaresto dahil sa pagpuslit ng drugs mula Spain

Dalawang lalaki, isang Pinoy at isang Hapon mula sa Gunma prefecture ang muling inaresto ng Aichi Prefectural Police dahil sa pagpuslit sa bansa ng isang synthetic drugs na "LSD". #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang pinoy at hapon inaresto dahil sa pagpuslit ng drugs mula Spain

Dalawang lalaki, isang Pinoy at isang Hapon mula sa Gunma prefecture ang muling inaresto ng Aichi Prefectural Police dahil sa pagpuslit sa bansa ng isang synthetic drugs na “LSD”.

Ang mga taong muling inaresto dahil sa hinalang paglabag sa Narcotics Control Law ay sina Raon Aldy (26), isang Filipino national na taga Maebashi City, Gunma Prefecture, at Takayuki Suzuki (26), isang pintor.

Ayon sa pulisya, ang dalawang lalaki ay pinaghihinalaang nagpuslit ng droga para sa ibenta noong Hulyo 2021 at nag-import ng malaking halaga ng mga synthetic drugs tulad ng “LSD” mula sa Spain gamit ang internasyonal na parcel.

Hindi naman ibinunyag ng pulisya kung umamin ang dalawa sa krimen.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund