TOKYO- Dalawang lalaki ang sapilitang pumasok sa isang apartment sa Tokyo at inasulto ang lalaking nakatira doon gamit ang martilyo noong Huwebes, ayon sa pulisya.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa apartment sa Nakano Ward, iniulat ng Kyodo News. Sinabi ng pulisya na ang biktima, isang lalaki na nasa edad na 30, ay nagsabi sa kanila na ang dalawang lalaki ay nag-doorbell sa kanyang intercom at nagpakilalang sila ay mga maintenance worker.
Nang buksan ng biktima ang kanyang pinto, pumasok sila at hinampas ito ng martilyo sa ulo. Pagkatapos ay binantaan nilang papatayin siya, tinalian ng duct tape ang kanyang mga bukung-bukong at hinalughog ang kanyang apartment.
Sinabi ng biktima na umalis ang dalawang nanghihimasok na hindi niya kilala, at wala namang kinuha. Sumigaw ng tulong ang biktima at tumawag sa 110 ang isang kapitbahay. Sinabi ng pulisya na ang lalaki ay dinala sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na ang kanyang mga pinsala ay aabutin ng halos dalawang linggo upang gumaling.
Ang dalawang lalaki ay nakasuot ng damit ng mga manggagawa at nakasuot ng puting face mask sa mukha.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation