Apat na taong gulang na bata patay, matapos mabangga ng sasakyang minamaneho ng ama

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang bata at dinala sa ospital kung saan namatay pagkalipas ng 90 minuto.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

FUKUSHIMA-
Isang apat na taong gulang na batang babae ang namatay matapos siyang mabangga ng isang kotse na minamaneho ng ama sa Yanaizu, Fukushima Prefecture.

Ayon sa pulisya, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente. Linggo, iniulat ng Fukushima TV. Sinabi ng pulisya na ang batang babae, si Nanaka Arami, ay nasa kalsada sa harap ng kanyang bahay nang siya ay mabangga ng kotse.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang bata at dinala sa ospital kung saan namatay pagkalipas ng 90 minuto. Ang ama ng batang babae ay sinipi ng pulisya na nagsasabing hindi niya nakita ang kanyang anak na babae sa kalsada.

Sinabi ng pulisya na patuloy silang nag-iimbestiga sa mga pangyayari sa aksidente.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund