TOKYO (Kyodo) — Kinansela ang test tour para sa mga travelers na papasok sa Japan matapos magpositibo sa coronavirus ang isa sa apat na Thai na kasali sa tour, sinabi ng ahensya ng turismo ng Japan.
Ang manlalakbay ay nasa timog-kanlurang prefecture ng Oita nang makumpirma ang kanyang impeksyon noong Lunes. Ang tatlong iba pang kalahok ay itinuring na close contact ngunit lahat ay nagtest na negatibo.
Kasalukuyan silang naka isolate sa isang hotel, sabi ng ahensya. Ang ruta ng impeksyon ay hindi alam.
Ang infected na manlalakbay ay nagreklamo ng pananakit ng lalamunan noong Lunes ng umaga at nagpositibo kasunod ng antigen test sa isang institusyong medikal.
Pagkatapos ay iniulat ang resulta sa isang lokal na tanggapan ng pampublikong kalusugan, ayon sa ahensya at mga pamahalaang prefectural ng Oita at Fukuoka.
“Naniniwala kami na ang paunang tugon sa kaso ng impeksyon ay maayos na nahawakan,” sinabi ng isang opisyal sa Japan Tourism Agency noong Lunes.
Dumating ang mga turista sa Fukuoka airport sa pamamagitan ng Haneda airport ng Tokyo noong Biyernes. Kasama sa kanilang itinerary ang Tenjin entertainment district ng Fukuoka pati na rin ang isang onsen hot spring resort sa Oita. Ang travel company na responsable para sa grupo ay nagbibigay ng suporta.
Join the Conversation