Inaresto ang isang Pilipinong lalaki sa hinalang murder-robbery at arson sa Gunma
Noong Marso ng taong ito, isang Pilipino ang inaresto dahil sa hinalang murder-robbery sa isang kaso kung saan natagpuan ang bangkay ng isang 73-anyos na lalaki sa isang nasunog na bahay sa Midori City, Gunma Prefecture.
Hinihinalang pinatay si Mendoza Paulo Nepomuceno (38), isang Filipino national, sa pamamagitan ng paghampas sa mukha ng biktimang si Akio Funato (73) sa Midori City noong Marso at ninakawan ng pera.
Ayon sa pulisya, nagkakilala ang dalawa noong Hunyo ng nakaraang taon, at nang na interrogate ng isang imbestigador si Mendoza noong nakaraang buwan, napag-alaman na wala itong visa at isang ilegal at inaresto sa hinalang paglabag sa Immigration Control and Refuge Act.
Pagkatapos nito, kinilala ito bilang suspek sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa isang security camera.
Hindi ibinunyag ng pulisya kung umamin ito sa mga paratang sa kanya at ang posibilidad na sya din ang nag sunog ng bahay upang mapagtakpan ang krimen.
Join the Conversation