Papalapit na ang Bagyong Malakas sa Ogasawara Islands ng Japan.
Sinabi ng Japan Meteorological Agency noong Miyerkules ng hapon ang bagyo ay kumikilos sa hilagang-silangan sa ibabaw ng karagatan sa silangan ng Pilipinas sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Ang core barometric pressure nito ay 955 hectopascals at may core maximum wind velocity na humigit-kumulang 140 kilometro bawat oras, na may pagbugsong higit sa 200 kilometro bawat oras. Ang hanging mahigit 90 kilometro bawat oras ay umiihip sa loob ng 130 kilometrong radius mula sa sentro ng bagyo.
Inaasahang lalakas ang bagyo hanggang Huwebes. Ito ay malamang na pinakamalapit sa Ogasawara Islands sa Biyernes.
Ang hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugsong higit sa 100 kilometro bawat oras ay tinatayang para sa mga isla sa Huwebes.
Sa Biyernes, ang mga isla ay inaasahang makakakita ng pinakamataas na bilis ng hangin na aabot sa 126 kilometro, at pagbugsong aabot sa 180 kilometro bawat oras.
Magiging maalon ang mga dagat, na may mga alon na aabot sa 7 metro sa Huwebes at 12 metro sa Biyernes.
Maaaring magkaroon ng malakas na ulan ang mga isla sa Biyernes dahil matatakpan sila ng mga raincloud na kasama ng bagyo.
Inaasahan ang pag-ulan na 100 hanggang 200 millimeters sa ilang lugar sa loob ng 24 na oras mula Huwebes ng gabi.
Nananawagan ang mga weather official sa mga tao sa lugar na maging alerto sa lakas ng hangin, mataas na alon, pagguho ng lupa, pagbaha at pag apaw ng ilog.
Join the Conversation