Sa ika-13 ng Mayo, babalik na sa normal na operasyon ang Tohoku Shinkasen

Nasira ng magnitude 7.4 na lindol ang ilang bahagi ng linya ng Tohoku Shinkansen at nadiskaril ang isang tren, na nagpahinto sa mga operasyon ng bullet train sa ibang bahagi ng linya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga serbisyo ng Shinkansen bullet train sa hilagang-silangan ng Japan ay babalik sa normal na iskedyul sa Mayo 13.Patuloy naman na naapektuhan ang mga operasyon ng tren matapos tumama ang malakas na lindol sa rehiyon noong Marso 16.

Nasira ng magnitude 7.4 na lindol ang ilang bahagi ng linya ng Tohoku Shinkansen at nadiskaril ang isang tren, na nagpahinto sa mga operasyon ng bullet train sa ibang bahagi ng linya.

Matapos ang halos isang buwan, sinimulan muli ng East Japan Railway Company ang bullet train operations sa buong linya noong Abril 14.Ngunit binawasan nito ang bilang ng mga tren at pinapatakbo ang mga ito sa mas mabagal na bilis sa ilang mga seksyon para sa kadahilanang pangkaligtasan.

Noong Miyerkules, inanunsyo ng operator ang pagpapatuloy ng normal na iskedyul simula sa kalagitnaan ng susunod na buwan. Binanggit nito ang pag-unlad sa mga gawain at pagtiyak ng kaligtasan.

Sinabi ng kumpanya na ang mga tren ay tatakbo lamang nang mas mabagal kung saan naganap ang pagkadiskaril, ngunit ang pagbabawas ng bilis noon ay hindi makakaapekto sa pangkalahatang timetable.

Ang mga serbisyo ng tren ng Akita, Yamagata at Hokkaido Shinkansen na konektado sa linya ng Tohoku Shinkansen ay tumatakbo din sa mga pansamantalang iskedyul. Ngunit babalik din sila sa mga normal na serbisyo mula Mayo 13.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund