Nananawagan ng pagkaka-isa ang alkalde ng Kyiv para sa kapayapaan nuong nagkaroon ng online talk kasama ang alkalde ng Kyoto

Aniya, bilang isang sister city, umaasa siyang umapela sa buong Japan na magbigay ng anumang suportang kinakailangan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNananawagan ng pagkaka-isa ang alkalde ng Kyiv para sa kapayapaan nuong nagkaroon ng online talk kasama ang alkalde ng Kyoto

Ang alkalde ng kabisera ng Ukrainian na Kyiv ay nanawagan para sa pagkakaisa ng mga tao at bansa upang makamit ang kapayapaan. Ginawa niya ang apila sa isang online na conference kasama ang alkalde ng sister city ng Hapon, ang Kyoto.

Nagkaroon ng mga talakayan sina Vitali Klitschko at Kadokawa Daisaku noong Miyerkules ng hapon, oras sa Japan.

Ipinaliwanag ni Klitschko na ang mga pag-atake ng Russia ay ang nagwasak ng maraming mga gusali, ng tirahan sa paligid ng Kyiv at pumatay ng mga maraming mamamayan, na tinatawag ang sitwasyon na isang genocide.

Sinabi ni Kadokawa nang direkta niyang nalaman ang sitwasyon, pakiramdam niya ay hindi ito mapapatawad.

Aniya, bilang isang sister city, umaasa siyang umapela sa buong Japan na magbigay ng anumang suportang kinakailangan.

Tinanong ni Kadokawa kung anong uri ng suporta ang kailangan ngayon, sumagot si Klitschko ng pagkain at gamot dahil hindi niya alam kung gaano katagal ang sitwasyon iyon. Nanawagan din siya ng suporta sa muling pagtatayo ng mga nasirang lugar.

Sinabi ni Klitschko, “Kailangan nating lahat na ipilit sa Russia na itigil na ang digmaan. Ang pagkakaisa sa paligid ng Ukraine ay isang susi para sa kapayapaan.”

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund