Ang Maritime-Self Defense Force ng Japan ay naiulat na natagpuan ang tila nawawalang bangkang pang-tour sa ilalim ng dagat sa labas ng Shiretoko Peninsula sa Hokkaido, hilagang Japan.
Ang bangka, “KAZU I,” na may lulan ng 24 na pasahero at dalawang tripulante, ay nawala sa baybayin ng Hokkaido noong Sabado.
Ang mga sources ay nagsabi na ang isang undersea camera sa isang barko ng MSDF ay nakakuha ng mga larawan noong Biyernes ng umaga ng tila isang bangka sa lalim na humigit-kumulang 100 metro sa tubig malapit sa isang lokal na magandang talon. Iniulat ng kapitan ng bangka na nalampasan nito ang lugar ng talon bago ito nawala.
Ayon pa sa ulat ang mga titik ng “Z,” “U” at “I” ay nakitang nakapinta sa bagay.
Ang Japan Coast Guard ay nagtatrabaho upang kumpirmahin kung ang natuklasang bagay ay ang nawawalang bangka.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation