Lalaking taga Tokyo man pinaka-unang makakasuhan dahil sa pagmamaneho ng electric scooter habang nakainom

Nahuli ang isang lalaki noong Abril 11 dahil sa pagmamaneho ng electric kick scooter habang lasing sa isang kalye sa Tokyo noong nakaraang buwan #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking taga Tokyo man pinaka-unang makakasuhan dahil sa pagmamaneho ng electric scooter habang nakainom

TOKYO — Nahuli ang isang lalaki noong Abril 11 dahil sa pagmamaneho ng electric kick scooter habang lasing sa isang kalye sa Tokyo noong nakaraang buwan, nalaman ng Mainichi Shimbun mula sa isang source na malapit sa imbestigasyon.

Ang Atago Police Station ng Metropolitan Police Department ay nagpadala subpoena sa isang empleyado ng korporasyon na nakatira sa Minato Ward ng Tokyo dahil sa hinalang paglabag sa Road Traffic Act.

Inakusahan ang lalaki na nakasakay sa electric kick scooter sa ilalim ng impluwensya ng alkohol sa isang kalye sa distrito ng Hamamatsucho ng Minato Ward bandang 3:20 a.m. noong Marso 12. Inamin umano niya ang mga paratang laban sa kanya, ayon sa kanya, “Wala ng train at ayaw niya  gumastos ng pera sa isang taxi.”

Ayon sa source, nagrenta ang lalaki ng e-scooter malapit sa Ueno Station sa Taito Ward ng kapitolyo matapos makipag-inuman kasama ang kanyang mga kasamahan noong gabing iyon. Namataan ng isang opisyal ng Atago Police Station ang suspek na nakasakay sa scooter na may nakasabit na bag sa manibela at binalaan ito. Pagkatapos ay naamoy ng opisyal ang alak sa lalaki, at sumailalim siya sa breathalyzer test at lumilitaw na nakita ang antas ng alkohol na 0.3 milligrams bawat litro ng hiningang ibinuga, na mas mataas kaysa sa pinahihintulutang limit.

(Japanese original ni Nana Hayashida, Tokyo City News Department)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund