TOKYO-
Isang 48-anyos na lalaki na inaresto dahil sa hinalang pumatay sa isang 64-anyos na babaeng walang tirahan sa Tokyo noong 2020, namatay ito na tila isang pagpapakamatay.
Ayon sa pulisya, ang bangkay ni Kazuhito Yoshida ay natagpuan sa kalye sa ibaba ng isang apartment building malapit sa kanyang tahanan noong Biyernes ng umaga, iniulat ng Kyodo News. Sinabi ng pulisya noong Sabado na tila tumalon siya mula sa gusali. Dinala siya sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.
Nakapagpiyansa si Yoshida matapos na arestuhin dahil sa hinalang pagpatay kay Misako Obayashi, isang babaeng walang tirahan, habang nakaupo siya sa isang bench sa hintuan ng bus sa Shibuya Ward bandang 4 a.m. noong Nobyembre 16, 2020. Si Obayashi, na may walong yen lamang na dalang pera ay natagpuang nakahandusay sa lupa, dumudugo ang ulo mula sa isang pinsala noong 5 a.m. malapit sa intersection mga 400 metro mula sa Sasazuka Station.
Si Yoshida ay nagpakita kasama ang kanyang ina sa isang koban (kahon ng pulisya) noong Nobyembre 21, 2020, at sinabi sa pulisya na inatake niya ang babae. Ayon sa nakitang footage ng surveillance camera sa kalye may nakitang isang lalaki na hinahampas si Obayashi, na mukhang tulog, at may dalang shopping bag.
Si Yoshida ay kinasuhan noong Disyembre 2020. Nakalaya siya sa piyansa noong Marso ngayong taon bago ang kanyang paglilitis na nakatakdang magsimula sa Mayo 17.
Noong Sabado, sinabi ng mga kamag-anak ni Yoshida sa media na hindi siya matatag kamakailan, nag-aalala ito tungkol sa paglilitis at sa problemang idudulot nito sa kanila.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation