Lalaki hinatulan na, sa pag-bebenta ng 130, 000 syringe sa mga drug dealer

Naiulat na nagbulsa o kumita siya ng 8.65 milyong yen mula sa mga ilegal na transaksyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

SHIMANE- Ang Matsue District Public Prosecutor’s Office ay kinasuhan ang isang 47 taong gulang na lalaki dahil sa hinalang pagbebenta ng humigit-kumulang 130,000 medical syringe sa mga nag-bebenta ng stimulan drugs.

Ayon sa Shimane Prefectural Police, si Teruhisa Fujii, isang walang trabahong residente ng Kyoto, ay dating nagtatrabaho bilang biomedical equipment technician sa isang healthcare facility sa Kyoto Prefecture, iniulat ng lokal na media. Inakusahan siya ng pagpapadala ng 27 pakete na naglalaman ng 130,120 medical syringe sa pagitan ng Pebrero 2020 at Nobyembre 2021 sa isang lalaki at babae na nagtra-traffic ng mga stimulant na gamot sa Osaka City. Naiulat na nagbulsa o kumita siya ng 8.65 milyong yen mula sa mga ilegal na transaksyon.

Naglunsad ang Shimane police ng hiwalay na kaso ng stimulant smuggling kung saan tatlong tao ang inaresto noong Nobyembre dahil sa paglabag sa Stimulants Control Law.Lumitaw ang pangalan ni Fujii bilang ang taong nagbebenta ng mga syringe sa mga suspek, at ang kanyang kaso ay ipinadala sa mga tagausig noong Marso.

Ayon sa pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, nagbitiw si Fujii sa kanyang trabaho noong Setyembre 2021.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund