Isang nanay at 10 buwang gulang na sanggol ang namatay, matapos tumalon sa isang apartment building sa hinihinalang murder- suicide case

Isang residente ng gusali,kung saan sinabi niya na isang babae at isang bata ang nakahandusay sa lupa sa harap ng gusali,

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

SAITAMA- Isang 34-anyos na babae at ang kanyang 10-buwang gulang na anak na babae ang natagpuang patay sa lupa sa labas ng kanilang apartment building sa Asaka, Saitama Prefecture, noong Linggo, at pinaniniwalaan ng pulisya na ito ay isang murder-suicide.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya bandang 8:30 ng umaga mula sa isang residente ng gusali,kung saan sinabi niya na isang babae at isang bata ang nakahandusay sa lupa sa harap ng gusali, iniulat ng Kyodo News. Ang babae at ang kanyang anak na babae ay kumpirmadong patay sa pinangyarihan.

Ayon sa mga ulat ng pulisya, ang babae ay nakasuot ng T-shirt at sweatpants ngunit walang sapatos, habang ang sanggol ay nakasuot lamang ng underwear at diaper. May nakitang mga pasa sa magkabilang katawan, na pinaniniwalaang dulot ng pagkahulog.

Ang ina, na isang empleyado ng kumpanya, ay nakatira sa apartment kasama ang kanyang asawa at anak na babae. Kinukuwestiyon ng pulisya ang kanyang asawa tungkol sa kung ano ang maaaring maging sanhi ng kanyang posibleng pagpapakamatay.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund