Isang manloloob ang inaresto matapos makapasok sa apartment ng isang babae sa pamamagitan ng balkunahe

Sinabi ng pulisya na isang lalake ang nakatira sa tinutuluyan ng babae, ay napansin nito ang isang pigura sa likod ng mga kurtina nang siya ay umuwi. Nang hilahin niya ang mga kurtina, nakita niya si Okada.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KAWASAKI-
Inaresto ng pulisya sa Kawasaki, Kanagawa Prefecture, ang isang 27-anyos na lalaki matapos itong labag sa batas na pumasok sa apartment ng isang 25 anyos na babae sa pamamagitan ng balkonahe noong Pebrero.

Ayon sa pulisya, si Hiroki Okada, isang restaurant manager sa Shinjuku Ward ng Tokyo, ay pumasok sa apartment ng babae bandang 8:15 p.m. noong Pebrero 9 at nagtago sa likod ng mga kurtina, Iniulat ng Kyodo News. Ang babae, isang empleyado ng kumpanya, ay napaulat na kakilala ng suspek, ngunit wala sa bahay nito ng mga oras na iyon.

Sinabi ng pulisya na isang lalake ang nakatira sa tinutuluyan ng babae, ay napansin nito ang isang pigura sa likod ng mga kurtina nang siya ay umuwi. Nang hilahin niya ang mga kurtina, nakita niya si Okada. Nang tumawag ng pulis ang lalaki, nakatakas si Okada. Gayunpaman, nakilala siya mula sa mga personal na gamit na ibinagsak niya sa balkonahe.

Sinabi ng pulisya na si Okada ay na naaresto noong Lunes, at nagsabi sa kanila na nakilala niya ang babae dahil ipinakilala ito ng kanyang kaibigan. Sinabi ng babae sa pulis na hindi niya kailanman inimbitahan si Okada sa kanyang apartment, o ibinigay sa kanya ang kanyang address.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund