Isang lalaki ang pinag-hahanap na ngayon dahil sa pananakit sa isang babae na matagal na niyang gustong makarelasyon

Sinabi ng pulisya na sinabi sa kanila ni Shiho na ang umatake sa kanya ay patuloy na humihiling sa kanya na maging kanyang kasintahan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO- Sinabi ng pulisya sa Osaka noong Lunes na hinahanap nila ang isang lalaking pinaghihinalaan nag tangkang pagpatay matapos nitong laslasin ang isang 51-anyos na babae sa kanyang apartment.

Sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng tawag bandang 12:45 p.m. noong Linggo mula sa isang lalaki kung saan sinabi niya na ang babaeng kasama niya ay duguan mula sa mga sugat sa kanyang mukha sa kanilang apartment sa Ikuno Ward, Iniulat ng Kyodo News. Ang biktimang si Minako Shiho, ay dinala sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na ang kanyang mga sugat ay hindi gaaanong malubha.

Sinabi ng pulisya na sinabi sa kanila ni Shiho na ang umatake sa kanya ay patuloy na humihiling sa kanya na maging kanyang kasintahan at na pumasok siya sa apartment bandang 11 a.m. Sinabi ni Shiho sa pulisya na una niyang nakilala ang lalaki tatlong taon na ang nakalilipas. Nagkita silang muli mga isang linggo ang nakalipas, at mula noon, pinag-iinitan na siya ng lalaki na makipag-date sa kanya.

Inilarawan ang suspek na nasa edad 50 na may balingkinitang pangangatawan at ahit ang ulo. Nakunan siya ng footage ng security camera mula sa kapitbahay na umaalis sa lugar sakay ng bisikleta.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund