Ang Kawasaki Heavy Industries ng Japan ay nagbukas ng restaurant na may staff ng mga robot. Ang operasyon ay magbibigay sa kumpanya ng data upang mapabuti ang pag-unlad ng robot upang makatulong na mabawasan ang mga kakulangan sa mang-gagawa.
Ang restaurant ay matatagpuan sa pasilidad ng mananaliksik ng gumagawa ng makinarya malapit sa Haneda Airport sa Tokyo na may pitong robot.
Ang mga customer ay naglalagay ng kanilang mga order sa pamamagitan ng smartphone. Ang mga robot sa kusina ay nagpapainit ng mga pakete ng sopas o curry at ibinubuhos ang mga ito sa mga tasa. Gumagamit din sila ng microwave para sa kanin.
Ang ibang mga robot ay naghahatid ng mga pagkain sa mga mesa at inihahain ang mga ito gamit ang dalawang braso. Kinokolekta din nila ang mga walang laman na plato. Ang mga pagbabayad at mga basura ay pinangangasiwaan naman ng mga tauhan na tao.
Nilalayon ng Kawasaki Heavy na gamitin ang feedback ng customer para mapabuti ang kalidad ng serbisyo ng robot. Plano rin nitong ilapat ang natutuhan nito sa pagresolba ng mga kakulangan ng mang-gagawa sa nursing care.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation