Ang isang programa para sa mga dayuhang technical trainees ay ipinagpatuloy sa lungsod ng Wakayama, kanlurang Japan, pagkatapos masuspinde ng 15 buwan.
Pitong technical trainees mula sa Thailand ang nagsimula ng pagsasanay noong Miyerkules na may asosasyon na tumatanggap ng mga trainees mula sa Asia.
Ipinagpatuloy ang programa matapos paluwagin ng Japan ang mga kontrol sa hangganan para maiwasan ang mga impeksyon sa coronavirus noong nakaraang buwan.
Tinapos na ng pitong trainees ang quarantine matapos makapasok sa Japan noong nakaraang linggo. Sinabi ng asosasyon na ang kanilang pagdating ay naantala ng 15 buwan.
Sinabi ni Iwakura Toshihiro, isang executive sa asosasyon, na susuportahan niya ang mga trainees para masanay sila sa buhay sa Japan.
Join the Conversation