Babae arestado, sa salang tangkang pag-patay sa nobyo

Nagtamo ng mga saksak sa tiyan ang biktima, na wala rin impormasyon ukol sa hanapbuhay, mula sa pag-atake ng kutsilyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KANAGAWA-
Inaresto ng pulisya sa Chigasaki, Kanagawa Prefecture, ang isang 31 taong gulang na babae dahil sa hinalang tangkang pagpatay matapos umano niyang saksakin ang kanyang 35 taong gulang na nobyo na kanyang tinitirhan.

Ayon sa pulisya, ang hindi pa nakikilalang suspek, at hindi pa alam ang hanapbuhay, ay sinaksak ang kanyang nobyo bandang 5:35 ng umaga noong Martes, iniulat ng Kyodo News. Nagtamo ng mga saksak sa tiyan ang biktima, na wala rin impormasyon ukol sa hanapbuhay, mula sa pag-atake ng kutsilyo.

Nagawa ng biktima na tawagan ang ina ng suspek at tumawag ito ng pulis. Dinala sa ospital ang lalaki, nagtamo ng mga tama ng kutsilyo sa kanyang lalamunan at tiyan, at nananatiling nasa malubhang kondisyon, ayon sa pulisya.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
WU
brastel
PNB
Car Match
TAX refund
Flat
Super Nihongo
TAX refund
Car Match