Ayuda ng gobyerno para sa lahat ng residente sa isang lungsod sa Yamaguchi napadala sa iisang tao

Ang ayuda ng lahat ng residente sa isang lungsod sa Abu sa Yamaguchi Prefecture ay nagkamaling napadala sa iisang tao.  #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAyuda ng gobyerno para sa lahat ng residente sa isang lungsod sa Yamaguchi napadala sa iisang tao

TOKYO

Ang ayuda ng lahat ng residente sa isang lungsod sa Abu sa Yamaguchi Prefecture ay nagkamaling napadala sa iisang tao.

Sa maliit na bayang ito na may humigit-kumulang 3,300 katao, 463 na sambahayan ang nag-apply para sa  100,000 yen na ayuda. Gayunpaman, 462 sa mga sambahayang iyon ang hindi nakatanggap ng kanilang pera, dahil napunta lahat sa bank account ng isang residente.

Ayon sa mga opisyal ng bayan, isang staff ang nakagawa ng technical error sa system kapag nagpoproseso ng mga aplikasyon na naging dahilan upang mapunta ang lahat ng 46.3 milyong yen sa iisang bank account.

Nakipag-ugnayan ang mga opisyal sa tahanan ng nakatanggap na tao ngunit sa oras na nakipag-ugnayan sila, sinabi ng tao na ang lahat ng pondo ay “nailipat na niya sa isang account sa ibang institusyong pinansyal.”

Hindi malinaw kung ano mismo ang ibig sabihin nito. Ipinaliwanag ng tao na ang pera ay hindi niya ginamit sa pagbabayad ng utang, ngunit nagbigay ng ilang iba pang mga pahiwatig kung saan ito napunta. Sinabi lang nila sa mga opisyal: “Hindi na ito mababawi pa. hindi ako tatakbo. Pagbabayaran ko ang kasalanan ko…”

Noong Abril 22, naglabas ng pampublikong paghingi ng tawad ang alkalde ng Abu na si Norihiko Hanada at nagpadala ang bayan ng isa pang wave ng 100,000 bayad sa bawat isa sa 463 na sambahayan, kabilang ang taong  nakatanggap ng 46.3 milyong yen.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund